UNHEALTHY PINOY MONEY MINDSET #1
"MAY DARATING PA NAMAN AKONG SWELDO O BONUS EH"
Kakatanggap mo palang ng sahod mo ubos na agad! Parang bagyong, dumaan lang sa palad mo.
Ubos-ubos biyaya, maya-maya nakatunganga.
Minsan nga wala pa yung sweldo mo, nagastos na sa online shopping o pagkain sa labas. At minsan, inuutang pa natin ang ating kita bago pa dumating ang sweldo.
