Search Topics

Saturday, 24 January 2015

UNHEALTHY PINOY MONEY MINDSET (# 1, 2, AND 3)

UNHEALTHY PINOY MONEY MINDSET #1

"MAY DARATING PA NAMAN AKONG SWELDO O BONUS EH"
Kakatanggap mo palang ng sahod mo ubos na agad! Parang bagyong, dumaan lang sa palad mo.


Ubos-ubos biyaya, maya-maya nakatunganga.


Minsan nga wala pa yung sweldo mo, nagastos na sa online shopping o pagkain sa labas. At minsan, inuutang pa natin ang ating kita bago pa dumating ang sweldo.
Kaya pagdating ng araw ng sweldo, simot na agad. Bakit? Kasi ibabayad na agad sa utang. Kapos na kapos at tila ba naghihikahos sa buhay.


Yung dapat na matanggap na mid-year or Christmas bonus ay nakasanla na. Pati yung ATM wala na rin dahil ito ay nakasanla na rin.
Kapag mayroon tayong ganitong mindset, siguradong kahit napakalaki ng sahod mo, you will still live in lack and in debt.
You cannot count the chicks that hasn’t hatch. Kung ipagpatuloy natin ang ganitong klaseng pamumuhay, maniwala ka, walang asenso ang mangyayari kundi panay perwisiyo.
Ito ay isa sa mga dahilan kung bakit walang nangyayari sa ating financial life. Hanggat hindi magbago ang ating mindset, hihndi magbabago ang ating buhay.
Nagpapakasarap lang tayo sa ngayon, pero naghihirap naman tayo bukas.
Kung gusto natin umunlad ang ating buhay at makalabas sa utang. Kailangan natin matutong mag-isip ng LONG-TERM at matutong MAGTIIS at MAGTIYAGA.
These are the three key words that we need to set in our mind..
THINK LONG-TERM
LEARN HOW TO ENDURE
LEARN TO BE PATIENT
Kung nagawa mo yan kapatid, maniwala ka magbabago ang finanical life mo.
Bakit hindi mo subukan, nothing to lose but eveyrthing to gain.
THINK. REFLECT. APPLY.
Ano ba ang umuudyok sa iyo na bumili ng mga bagay na hindi mo naman kinakailangan pero gusto mo lang?
Naprepressure ka ba ng peers mo o ng mga kamag-anak mo?
Naisipan mo na ba magbago na ng mindset?
Kung handa ka na nais kitang tulungan. I want you to watch this video. Please click on this link http://bit.ly/1wOrPI6

UNHEALTHY PINOY MONEY MINDSET #2

"KULANG ANG AKING KINIKITA"
Kulang, kulang, kulang, lagi nalang kulang. Yan ang bukambibig mo. Iniisip mong kaya ka mahirap, kaya di maginhawa ang buhay mo at kaya ka lubog sa utang ay dahil kulang ang kinikita mo. Sinisi mo ang 'kakulangang' ito na hindi mo na-rerealize na ang kulang sa iyo ay tamang management at wisdom sa paghawak ng iyong finances.
Earning money is very personal and subjective.
What do I mean?
Imagine mo na kumikita ka ng P100,000 a month.
Is that a lot of income o maliit na income? Some of you might say na malaki siya para sa iyo, pero para kay Manny Pacquiao, mallit yan. Baka pambayad lang yan ng kuryente.
Imagine mo na kumikita ka ng P10,000 a month. Mallit ba siya o malaki? Some might say na maliit siya. Pero kung dadalhin mo yan sa depressed area at mahirap na pamilya. Malaking pera na yan. So do you understand what I mean by earning money is very personal and subjective.
Ganoon din, may mga taong maliit lang ang kinikita pero marunong dumiskarte at matalino sa paghahawak ng pera, kaya naman ang kakaunting kita (na sa tingin mo ay kulang) ay napapalago nila at napaparami.
Kapag naka-focus ka sa kakulangan, hindi na nakapagtataka na patuloy kang mamumuhay sa kakulangan. What you feed your mind will become real in your life.
So if you feed your mind na parati kang wala at maliit ang iyong kita, yung talaga ang magiging reality mo. Pero kung if you feed your mind with solutions, nag-iisip ka na ng solusyun at paraan kung paano dumiskarte para madagdagan ang kita, yan din ang mangyayari.
THINK. REFLECT. APPLY.
Saan ka madalas nakafocus sa meron o wala? Sa problema o solusyun?
Madalas ka bang nag rereklamo o marunong kang magpasalamat?
So may I suggest let us "STOP COMPLAINING & DO SOMETHING."
And see how your world will change.
IF YOU ARE READY FOR CHANGE. I want you to watch this video. Please click on this link http://bit.ly/1wOrPI6


UNHEALTHY PINOY MONEY MINDSET #3 "ONE TIME BIG TIME"

Ito yung madalas kong marinig, 'ONE DAY MILLIONAIRE’.

Ubos biyaya at ligaya. Dumating lang ang pagpapala inubos na agad na parang walang bikas. Hindi man lang inisip kung ano ang magiging plano nila sa kinabukasan.
Katulad na nangyari sa mag-asawang na nanalo ng 77 million sa lotto. Na feature pa sa show ng Rated K. Nabuhay na parang hari’t reyna. Bili dito, bili diyan. Shopping dito, shopping diyan. Matapos ang apat na taon, binalikan sila ng crew ng Rated K. Ano ang nangyari? Ubos na ang kanilang pinanalunan at bumalik na sa dating tahanan at ang clincher, may utang pa!
Ang tanong paano kung ikaw naman ang manalo? For sure, bibili ka ng bahay at lupa, tapos kotse, tapos mamumudmod ka ng balato!
Yan din ang madalas na nagyayari sa iilan ng mga kababayan na OFW. Pag balik Pinas para magbakasyon. Napipilitan na bumili ng regalo para sa lahat, magpapakain sa kanilang mga kaibigan, kamag-anak at buong barangay. Mamumuod ng dollars na parang Santa Claus. Pagkatapos, balik abroad para kumayod at para kumita muli. I hope you understand na walang masama na maging generous, pero kung wala kang itiira sa sarili mo at para ma-invest para sa iyong kinabukasan. Hindi siya magandang practice.
Isa sa mga ugali ng langgam na nagustuhan ko ay ang kanilang pagiging mapag-impok. Ang isang butil ng kanin ay naitatabi at natitipid nila para pag dumating ang unos may madudukot sila. Hindi ba't mas mainam na magsuksok para sa panahon ng pangangailangan may madudukot?
THINKING LONG-TERM is one of the financial discipline and mindset that we need to instill in our mind and heart. Kapag hindi natin ito maumpisahan sa ating isipan at damdamin. Maniwala ka hindi tayo makakalabas sa buhay ng utang at kakulangan.
THINK. REFLECT. APPLY.
Kamusta ang sweldo pag dumating ang katapusan?
May natitira pa ba para sa iyong kinabukasan?
O, ito ay nauubos at nauuwi na lang ito sa wala?
Kung nais mo talagang mabago ang mindset mo pag dating sa paghawak ng pera. Please visit this link and watch the money kit videohttp://bit.ly/1wOrPI6


UNHEALTHY PINOY MONEY MINDSET #4
"MAHIRAP LANG AKO"

'Ako'y isang hamak na hampas-lupa lamang…' Naks naman ang drama naman. Ayan ang mga linyang madalas nating nadidinig sa mga teleserye. Masyadong na-hihighlight ang kahirapan sa buhay, limited tuloy ang opportunities dahil naka-focus sa mga kahirapan at di kayang gawin.
Sa sobrang tagal namumuhay sa kahirapan, intertertain at tinanggap na yung tadhana, “Nabuhay kaming ganito, mamatay kaming ganito.”
Kung ipinanganak kang mahirap, hindi mo kasalanan yun pero kung namatay kang na walang ginagawa para labanan ang kahirapan. Wala tayong ibang dapat sisihin kundi ang ating sarili.
Bakit?
At the end of the day, may choice ka. Come on! Life is all about choices.
What do I mean? Let us say na magkita tayo 10 years from now. At nakita mo akong naging taong grasa na. At tinanong mo ako kung bakit naging ganito ang aking buhay.
“Buti na lang at natanong mo, alam mo ba kung bakit naging ganito ang buhay ko? Dahil sa mga magulang ko, hindi ako nabigyan ng pamana; hindi ako tinulungan ng kapatid ko; yung mga ka-opisina ko, yung boss ko, sila ang mga may kasalanan kung bakit naging ganito ang buhay ko.”
If ever na makita mo na naghihirap at walang nangyayari sa buhay ko, alam mo bang dapat mong sabihin sa akin ay, “Chinkee, the reason why you are the person that you are today is because that is the way you choose to be.” Pinili mo yan! Hindi yan aksidente. It all happened because you allowed it to.
Ganoon din yan kapatid. Huwag ka sanang magalit sa aking sasabihin. Pero minsan kailangan may magsabi sa atin ng katotohanan, para ito yung ating wakeup call na kailangan gumising na sa katotohanan. Kung ano ka nga ngayon, ito ay dahil sa series of choices na pinili mo. Hindi mo pwedeng palaging isisi sa Pangulo natin, sa gobyerno, sa kapit-bahay o kung kani-kanino pa ang kahirapan mo. At the end of the day, MAY CHOICE KA!
Siguraduhin mong hindi mo choice na maging mahirap. Dahil walang tao sa mundong ibabaw na gusto mabuhay ng mahirap!
THINK. REFLECT. APPLY.
Ikaw ba ay nahihirapan sa sitwasyon mo ngayon?
Ano ang tunay na dahilan dito?
Ito ba ay kagagawan ba natin or ng ibang tao?
Umaamin ka ba na may CHOICE KA!
Kung CHOICE mong makawala sa financial stress.
Bakit hindi mo bisitihin ang link na ito at panoorin ang video na itohttp://bit.ly/1wOrPI6

No comments:

Post a Comment

Popular Posts